nakakamiss..


haaay.. ang hirap ng walang social life.. kapag puro trabaho na lang, tapos ung mga kasama mo pa sa trabaho di mo din mayaya lumabas o gumimik dahil pare-parehong pagod at busy, magkakaiba pa ng schedule.
lalo ko pang namiss ang mga dati kong katrabaho sa tridel kapag nababasa ko ang mga blogs nila. actually, si airwind ang may pakana ng mga blog na ito. nakakalungkot na nakakatawang basahin ang mga blogs nila na kasamang nilang gumigimik ang mga bago nilang katrabaho. naalala ko dati nung magkakasama pa kaming nagtatrabaho sa tridel, sabay-sabay kaming nagbablog, hahhahahahah!!!!
nung nagbabalak na ko dating umalis sa tridel, naisip kong mamimiss ko talaga sila. actually, sila din ang dahilan kung bakit ako tumagal dun ng apat na buwan. sabi din ni airwind, ang mahirap sa umaalis, nawawalay ka sa mga naging ka-close mo na. pero pag naisip mo kung ano ung magandang bagay, un ung may makikilala kang bago pero di mo parin nakkalimutan ang mga dati mong kaibigan.
ako man, may mga bago na ring kaibigan. may balak nga akong lumipat ng account. pero pag naiisip ko un, naalala ko ung mga kaibigan kong naging ka-close ko sa account ko ngayon. bagong adjustment na naman, bagong pakikisalamuha, bagong pagkakakilala.
pati mga classmates ko nung college, namimiss ko na. iniisip ko kung saan na sila nagtatrabaho. parang kelan lang, magkakasama kaming nag-aaral pag malapit na mag-exam o di naman kaya, gumagawa ng project pag malapit na deadline.
kahit ung mga taong nakagalit ko dati o ung mga taong sinaktan ako in the past, nakakamiss din. syempre, meron parin namang mga magagandang bagay silang ginawa. at syempre, di rin naman ako magiging ganito kundi din dahil sa kanila. sabi nga nila, you won't be a tough person if you were not put into trials.
people just come and go, but they will leave a mark in your heart, be it good or bad..
posted @ 5:52 PM
|