constantine maroullis


super grabe!!! i screamed at the top of my lungs!!
i was on greenbelt park yesterday together with my officemate, digna, to watch constantine's mini-concert. day off ko kahapon, niyaya ako ng officemate ko, sakto na pupunta talaga kami ng makati ng mommy ko dahil maggrocery kami. nagmeet kami ni digna and we went off to the park. napakadaming tao! di na kami makahanap ng pwesto. paikot-ikot kami hanggang sa mahanap namin ang pwesto na makikita namin si constantine, sa tapat ng white screen kung saan nakaprojector si constantine. o di ba? sobrang lapit na tipong kita ko ang butas ng ilong nya. hahahhahahah!!!
tinext ko ang isang officemate pa na gusto manood, si bec. kaso sabi nya, sa atc na lang daw sya manonood. sabi ko nasa harapan kami nakapwesto. hahhahahah!! sabi nya kunan ko daw si constantine. e di kagandahan ang camera ng cellphone ko, buti na lang nasa tapat kami ng screen. ayun! dun ko kinuhanan ng picture si constantine. heheheeh!!! bukas pagpasok ko, ipapakita ko sa kaiya ang mga pictures, tignan ko lang kung hindi sya maniwala na sa unahan kami nakapwesto.
isang oras din ung mini-concert nya. si jay durias ng south border ang nagpi-piano sa kaniya, siya rin daw ang music director. lahat ng bandmates ay pilipino din, pati ang mga second voice. kumanta sya ng every little she does is magic, this is how you remind me, bohemian rhapsody at marami pang rock na kanta.
kahit paos na kami sa kakakanta at kakasigaw, worth it naman ang pagpunta dun, lalo na at napakagwapo nya. grabe!!! di pa ko kumakain nung pumunta kami dun, nawala ang gutom ko. ulam na ulam si papa constantine, kulang na lang ng kanin at tubig. hahahahhaahha!!
posted @ 7:31 PM
|