PATOK daw!!!


nasubukan nyo na ba sumakay dun sa jeep na tinatawag nilang "PATOK"? nakakaasar!!!
minsan nagmamadali ako pumasok, ung byaheng stop ang shop or divisoria ang sinasakyan ko pagpasok sa cubao. wala akong chocie kung un ang masakyan ko. feeling ko nakasakay ako sa roller coaster! sa tingin ko nung una, bangag ung driver. bigla na lang lumiliko ung jeep at di na kayo magkarinigan pag nagbabayad sa sobrang lakas ng pinapatugtog nila. kung amy sakit ka sa puso, tiyak aatakihin ka. sabi pa ng driver nung bumaba ung isang pasahero, "thank you for riding the space ship!" sabay tawa ng kumag. may matanda pang nakasakay nun, di ko na maintindihan kung ano nararamdaman ni lola sa pagsakay sa jeep na un. pero pare-pareho kami wala magawa kasi nakapagbayad na ng pamasahe.
pero kung maaga pa naman ako, namimili talaga ako ng sasakyan. tinatanong ko ung katrabaho ko bakit ganun ung mga jeep, tsaka ko nalaman na patok ang tawag dun. ano bang napapala nila dun? wish ko lang hulihin sila ng mga traffic enforcer dahil nakakatakot ang ginagawa nila.
lalo na nung isang beses, nakasabit pa naman ung katrabaho ko, biglang nagpagewang-gewang ung jeep. un ung una kong sakay sa patok na jeep. kala ko nung una, may sira ung jeep. kinabahan talaga ako. tapos nung inulit ng driver, nagtaka na ko. kala ko addict ung driver. hanggang sa nung pangatlong ulit, sumigaw na ako. sabi ko, "ANO BA?!? GUSTO KO PA MABUHAY! WAG KA MANDAMAY! MAY PASOK PA KAMI BUKAS!" nahiya na siguro ung driver kaya tinigil nya. pero parang nananadya talaga, inulit pa! pinaharurot nya ung jeep, tapos ang lakas pa ng pinapatugtog nya. pagbaba namin ng jeep, sabi ko dun sa driver, "GAGO KA! MAAKSIDENTE KA SANA!" ang sama ng sinabi ko, pero nakakasar talaga sya. di na nakakatuwa ung ginagawa nila.
well, so far, buhay pa naman ako at di pa naman nahoholdap. sana ipagbawal na ang mga ganitong jeep dahil nakakaperwisyo naman talaga. un lang.
posted @ 7:17 PM
|