happy birthday airwind!
mukha ng birthday corner ang blog ko,pero ayos lang. para to sa mga friends ko..eto ang mga entry ni airwind sa deviantart. noong nasa tridel pa kami, wala kami ginawa kundi mag-blog, magdeviantart at kung anu-ano pa. ako ang nagintroduce sa kniya ng deviantart. aba! ang kumag, may talent pala! ung unang entry nya ay entitled "pirated". bakit? kasi nainspire sya sa isang work na katulad nito at ginaya nya ung style. puro nipples ata ung artwork na un. pero ung sa kaniya, colorful. it describes his personality. ung pangalawa naman, "the eye". ginawa nya daw to habang nakikipagmeeting sa manager nya. the eye daw un, pero mukhang pusod, hahahahahah!!! pero mapansin nyo na sa mga works nya, malalaman mong napakajolly person nya. kaya siguro kami naging magkaibigan. pucha! pag kasama ko yan, napapatahimik ako kahit na alam kong madaldal ako. wala akong binatbat sa kaniya! sabi nga ni evie, officemate namin, parang nakalunok ng megaphone tong si airwind.
pangalawang entry ko na to na dedicated sa kaniya. grabe! super special na tong tao na to para mabanggit sa entry ko! dapat ilibre nya ko lalo't sweldo na bukas!
well, para sa kaarawan mo ngayon, eto ang gift ko sayo.. sensya na ha, kinagatan ko na e.. haha!!

posted @ 1:34 PM
|