hapi bertday laryuki
happy birthday sa kaibigan kong si laryuki! kahit na alam kong hindi ako ililibre ng kumag na to, special mention parin sya sa blog ko. at ngayong entry ko, kahit may iba pa sana ako gustong ikwento, napili kong ikwento ko na lamang sya sa inyo. hehehehehhe!!!nakilala ko si laryuki, february 1, 2005. ito kasi ung first day ko sa tridel. kung saan naging magkakaibigan kami nila laryuki at airwind. at iba pa. kami ang actually mga pasaway sa opisina. kami lagi ang napapagalitan. unang impression ko kay laryuki, kala ko single pa sya. don't get me wrong, di ko type si laryuki nung una ko sya nakita. nagtataka kasi ako kung bakit lagi sila magkasama nung isa pa naming katrabaho na si jel. kala ko kasi magboyfriend sila, e bawal daw sa opis ang magjowa lalo na ung magkadepartment. un pala, may asawa na tong kumag na to. sila lang pala ni jel ang magkasama sa team nila. magkaiba kami ni laryuki ng team sa sales department. iba din ang team ni airwind, pero lahat kami ay mga taga-benta. hehehehe!!! so, nung unang araw ko, bored na ko, ilang oras ang nakalipas bago pa nila ako pinansin. tinatakot pa ko ni laryuki. pero oks lang. hanggang sa naging magkaibigan kami at naging magkasama na sa isang team.
lagi kami magkakasama sa kalokohan. ako ang laging late sa opis, sya naman ang laging lasing kung pumasok. o kung di man sya pmasok, alam na agad ng manager namin kung ano nangyari sa kaniya. at eto pa, dahil area sales kami, dapat lumalabas kami ng opis para makipagmeet sa mga taong bebentahan namin. si laryuki ay aalis at magpapaalam na kunyari ay may meeting or appointment sa client, ang totoo, makikipagdate lang yan or makikipaglandian. hahahahaha!!!
siya din ang pondo ng yosi sa opisina. kahit wala na syang pera, basta may yosi sya, masaya na yan. hahahaha!!! kahit puro mura at kabastusan ang lumalabas sa bibig nya, may deep side din naman tong taong to. kaya rin nya magseryoso lalo na kung hilingin mo. nung una, di ko akalain na pwede ko syang sabihan ng mga problema ko. pero nung sinubukan ko sya kausapin tungkol sa mga bagay sa buhay ko, nakinig naman sya at nag-advise. di mo aakalain na ang isang taong maloko na ktulad nya, kaya rin maging seryoso.
at kahit masayahing tao si laryuki, di nya ipapakita sa yo na may problema sya. pag di na nya kaya, lalapit sya sa yo at magkkwento. nung dating may problema sya, bigla syang lumapit at nagkwento. naappreciate ko talaga ung paglapit nya. lahit kami ng barkada nag-alala sa kaniya nung minsan di sya pumasok. tinext namin sya at nakipagkita sa megamall. ang dami namin nun. si airwind, evie, aldous, jel at ako. naglolokohan pa kami na baka magpakamatay na si laryuki. hehehehe. ewan ko lang kung naappreciate nya ung effort namin na i-comfort sya.
nung umalis ako sa tridel, sabi nya mamimiss nya ko kasi ako lagi ang may pagkain sa opis, at lagi sila pumupunta sa table ko para tanungin ako kung ano ang pagkain ko. hehehehe!!! ung dinrowing ko habang nalalapit ang last day ko, ibinigay ko sa kaniya. hanggang ngayon, nakasabit sa cubicle nya. at lagi ako tumatawag sa local nya at nakikipagchismisan.
masaya ako na naging kaibigan ko tong taong to. no dull moments. nakakamiss ang mga days na magkakasama kami sa opis. una, ako ang umalis. sumunod si airwind. siya na lang ang pasaway sa opisina. hehehehe!!! nakakamiss ang mga umagang sabay kaming nagbbreakfast kahit 9am na at pinapagalitan kami dahil dapat ay nagtatrabaho na kami. at amga yosi breaks na wala sa oras. hahahahah!!! at ang mga araw na di kami nagtatrabaho, nagbblog lang (kaya na-block ang blogspot sa opis). dating blogspot yan si laryuki. dahil walang blogspot sa trabaho, lumipat sya ng blogdrive. kunyari ay nagse-sales call kami, ang totoo nagdadaldalan lang kami sa mga local namin. kulang na lang isuka kami ng tridel s sobrang pasaway namin.
well anyways, pag-iisipan ko pa kung anong magandang gift ko para sa kaniya. idadaan ko na lang sa opis nila sa wednesday kung ano man ang mabili ko.
happy birthday laryuki!!! mwaahh!!
posted @ 5:49 PM
|