through the years..
tag-tag-an na! this came from airwind twenty years ago.. i'm two years old then, my brother came to this world. umiinom ng am pag walang gatas. heheheheh!!!
fifteen years ago.. grade two na ako. tama ka airwind , un ata nung lumindol. umiiyak ako nun, kasi lahat ng classmate ko nakalabas na ng room, ako nageempake pa ng gamit. hinahanap ko pa ang mga lapis ko at nilalagay sa pencil case. ayaw kasi ng mommy ko na nawawala ang mga lapis at pambura ko. inaasikaso ko pa ang gamit ko habang lumilindol!!! di ko naman alam kung ano ung lindol at kung nakakamatay ba un.
ten years ago.. i just graduated from elementary. gustong gusto ko na magkaroon ng menstruation nun kasi halos lahat ng barkada ko nagkaroon na. gusto ko na rin maging dalaga! heheheheh!!! nagexam din ako sa manila science high school. pumasa ako nung first screening pero naeliminate sa second screening kaya sa public school dito malapit sa bahay ako napunta.
three years ago.. fourth year college. di pa graduating kasi 5years ang course ko. eto ung year na nakilala ko ang bf ko na ngayon ay xbf na. eto ung year na lagi ako nanonood ng sine kasama ang movie buddy ko every other day. wala lang. trip lang.
yesterday.. nabasa ko ang tag na to at pinapagawa ako ni airwind ng ganito. heheheheheh!!! kahapon din ako nagkaroon ng maraming calls sa trabaho. nanood ng big brother at kinaiinisan ko si say! ang arte sobra! at si chix! feeling maganda!
today.. ginagawa ko tong tag na to. nakapagsalita ako ng tagalog word while on call. badtrip! nagkaroon ako ng sup call pero luckily, na de-escalate ko.
tomorrow.. day off ko. yehey! pwede na ako matulog hanggang 11am or even 12pm! magliliwaliw sa internet at magbablog ulit.
next year .. malamang nasa sykes pa rin. sana nakaipon na ng pera. at sana may bf na uli. ehehheheh!!!
five-ten years from now.. sana pinapractice ko na ang profession ko. sana nasa ibang bansa din ako nagwowork and financially stable. sana may car na din ako by that time. ambitious di ba?
e ikaw? tag-tag-an na!!!!
posted @ 11:00 PM
|