funny kiddies
nakakatuwa talaga ang mga bata. ang mga sinasabi at ginagawa nila, kahit di sinasadyang magpatawa, nakakatawa.ung pinsan kong 4 yrs old nagmamayabang sakin. binilhan daw sya ng papa nya ng "rain goat". hahahhaha!!! ano? rain goat? umuulan ng kambing? rain coat pala ang ibig nya sabihin. paguwi nya galing school dumaan sya dito sa bahay at pinakita nya sakin ung kaniyang "bunchbox" daw. anong bunchbox? hahahahha!!! lunchbox!!! ung pinsan kong un, kamukha ni tolits, ung nasa tide commercial. lagi nga nya ginagaya ung "lagi na lang ako, ako, ako.." kahapon, humingi sya sakin ng C2, at tinungga. e, medyo manguso ang batang to. sabi nya sakin, "ate ayoko na nito, pumapasok ung bibig ko e". hahahhaha!!! sabi ko, "ang tulis kasi ng nguso mo e, sige ilalagay ko sa baso para mainom mo ng maayos". sa school nga daw nila kilalang-kilala na sya. di na nga daw nya kailangan mag-name plate.
naalala ko tuloy yung kinuwento ni airwind sakin tungkol sa pinsan nyang 3 o 4 yrs old. pinapakain daw ung bata, di na daw nya kayang ubusin ang pagkain. sabi ng nagpapakain sa kaniya, dapat ubusn nya ang pagkain nya dahil marami daw bata ang nagugutom. sabi daw ng bata, "bakit? pag kinain ko ba yan, mabubusog ba sila?" hahahhahaha!!! maktwiran nga naman! kinuwento rin nya sakin ung kapatid ng barkada nya. 3 yrs old din siguro. nawala daw ung bata sa mall kasama ang ate nya. nagpunta ung bata sa guard at sinabing "mama, nawawala po ang ate ko!" ate pa nya ang nawala! ibang klase!
kahit ang kapatid ko, 8yrs old, nakakatuwa din. sabi kasi ng mommy ko, pag matutulog dapat daw tanggalin ang bra (censored!), e ayoko kasi di ako komportable. sabi ng kapatid ko, tignan mo ako ate, matutulog na kasi ako kaya wala akong bra! hahahhaha!!! ang tawa talaga namin ng mommy ko sa kaniya. at nung minsan pagdating ko sa bahay, parang naligo ng arina ang kapatid ko. nilagyan nya kasi ng baby powder ang buong katawan nya pati mukha. dark ang skin tone ng kapatid ko at lagi namin sya inaasar na maitim. kaya daw sya nag-powder para daw pag nakita namin sya di na daw namin sya tutuksuhin na maitim.
ako kaya nung bata ako, nakakatuwa din kaya ako? hahahhahah!!! may nakita akong picture nung bata ako na maputi ang mukha sa powder at may makapal na lipstick na lumalagpas na sa labi at naka-shades pa! ang bata nga naman..
posted @ 5:32 PM
|